Masamang epekto ng paninigarilyo

Ang usok na galing sa tabako ay lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao. Sinasabing lahat ng uri ng paninigarilyo ay nakamamatay.Nakakatakot din ang pinsalang dala ng paninigarilyo, kahit doon sa mga hindi naman talaga humihithit ng tabacco. Ang second hand smoke ay nakamamatay din. Subalit, sinasabi ng mga dalubhasa sa larangan ng kalusugan na tatlong ulit na mas mataas ang mortality rate ng mga taong naninigarilyo kumpara sa mga hindi. 

Ang paninigarilyo ay isa sa pangunahing mga dahilan ng kamatayan ng mga tao.Isa sa mga aktibong sangkap ng sigarilyo ay ang nicotine, isang kemikal na may kakayahang baguhin ang pakiramdam ng isang tao. Kayang abutin ng nicotine ang iyong utak sa loob lamang ng ilang segundo. Ito ay isang sangkap na nakapagpapasigla sa central nervous system ng tao, makararamdam ka ng masiglang pakiramdam sa loob ng ilang sandali.Kapag nakalanghap ka ng usok galing sa sigarilyo, ikaw ay nagpapapasok ng mga sangkap na pwedeng makasira sa baga mo. Sa pagdaan ng ilang panahon, ang iyong baga ay malamang na mawalan ng kakayahan na salain ang ganitong uri ng mapaminsalang mga kemikal. Ang pag-ubo ay hindi gaanong makapag-aalis sa mga lason na naipon sa baga. Ang mga taong naninigarilyo ay mas malamang na tamaan ng mga impeksyon sa baga, sipon at trangkaso.Ang paninigarilyo ay nakasisira sa lahat ng bahagi ng sistemang cardiovascular. Kapag ang nicotine ay nakapasok sa katawan, patataasin nito bigla ang dami ng asukal sa iyong dugo (blood sugar). Pakikiputin ng nicotine ang iyong mga ugat na daanan ng dugo, kaya malilimitahan ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan. Ang paninigarilyo ay nakapagpapababa rin ng dami ng good cholesterol at nakapagpapataas ng presyon, na maaaring mauwi sa stroke.

Comments

  1. Malaman ang iyong blog na naipost , sasusunod ay kung maari lakihan ang ang size ng mga letra ng di lang bata ang makaka basa ,pati narin ang matatanda ,yun lang maraming salamat

    ReplyDelete
  2. Maganda ang laman ng iyong blog talagang madali lang maintindihan at malinaw, marami din makokohang impormasyon salamat

    ReplyDelete
  3. Nalaman ko nag madami ka palang makukuha na sakit dulot nang paninigarilyo tulad nang ashma

    ReplyDelete
  4. Mas masama kong ikaw ay nakakalanghap ng usok ng sigarilyo kaysa naninigarilyo nakaka apekto ito sa kalusugan

    ReplyDelete

Post a Comment