Posts

Showing posts from October, 2020

Masamang epekto ng paninigarilyo

Ang usok na galing sa tabako ay lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao. Sinasabing lahat ng uri ng paninigarilyo ay nakamamatay. Nakakatakot din ang pinsalang dala ng paninigarilyo, kahit doon sa mga hindi naman talaga humihithit ng tabacco. Ang second hand smoke ay nakamamatay din. Subalit, sinasabi ng mga dalubhasa sa larangan ng kalusugan na tatlong ulit na mas mataas ang mortality rate ng mga taong naninigarilyo kumpara sa mga hindi.  Ang paninigarilyo ay isa sa pangunahing mga dahilan ng kamatayan ng mga tao. Isa sa mga aktibong sangkap ng sigarilyo ay ang nicotine, isang kemikal na may kakayahang baguhin ang pakiramdam ng isang tao. Kayang abutin ng nicotine ang iyong utak sa loob lamang ng ilang segundo. Ito ay isang sangkap na nakapagpapasigla sa central nervous system ng tao, makararamdam ka ng masiglang pakiramdam sa loob ng ilang sandali. Kapag nakalanghap ka ng usok galing sa sigarilyo, ikaw ay nagpapapasok ng mga sangkap na pwedeng makasira sa baga mo.  Sa pagdaan...